Napakasarap nga naman tumandang may kasama pa. Tipong edad lang ang nagbabago sa inyo at hindi ang inyong pagmamahalan. Mas masaya pang makakita ng mag LOLO at LOLA na naglalambingan. Yung mga simpleng halik, simpleng banat at sila ang tunay na simbolismo ng wagas na pagmamahalan. Natupad nila ang kanilang sumpaan simula nung humarap sila sa altar.
Napakasaya nga naman sigurong magpahinga pag tagal ng panahon na kasama ang taong mahal mo sa buhay. Tinitignan ang mga apo niyo, inaalagaan niyo ang isat-isa. Pati magkakasundo kayo ng mga anak niyo.
Sila ang maraming pinagdaanan, sila ang masarap pag tanungan sa usapang pag-iibigan. Sadyang nakakamangha, paano sila nag tagal. Paano ang ginawa nilang paraan para patuloy na mahalin ang isat-isa. Sana ganito ka wagas ang pag-ibig.
Isang relasyon na sinubok ng panahon, isang pamilya na buo at sama-sama.